Sister Patricia Fox umaasang mabibigyan pa rin siya ng due process

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 26, 2018 - 12:44 PM

Inquirer.net Photo | Jhoanna Ballaran

Nagulat at nalungkot si Sister Patricia Fox nang malaman ang desisyon ng Bureau of Immigration (BI) na nagbabawi sa kaniyang missionary visa at nag-aatas sa kaniyang umalis ng bansa sa loob ng 30-araw.

Ganito inilarawan ni Sister Fox ang kaniyang naramdaman matapos makarating sa kaniya ang balita.

Sa press conference, sinabi ni Sister Fox n asana ay magkaroon siya ng pagkakataon na maipaliwanag kung ano ba ang ‘missionary work’.

Ito rin aniya ang unang pagkakataon na nangyari ito sa kaniya sa loob ng 27 taon na pananatili niya sa bansa.

Ayon naman kay Atty. Jobert Pahilga, abogado ni Fox, maghahain pa rin sila ng counter affidavit sa supplemental report ng BI kung saan inaakusahan ang madre na lumalahok sa partisan political activity.

Nang tanungin kung babalik pa siya ng Pilipinas, sinabi ni Sister Fox na mahirap nang ituloy ang kaniyang missionary works kung tourist visa ang kaniyang hawak.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Sister Patricia Fox, Radyo Inquirer, Sister Patricia Fox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.