CIDG agent arestado sa pamamaril sa Pagadian City

By Rohanisa Abbas April 26, 2018 - 11:48 AM

INQUIRER File Photo

Arestado ang isang ahenteng sibilyan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Pagadian City dahil sa umano’y pamamaril.

Kinilala ang suspek na si Christopher Galleon.

Ayon kay Supt. Benito Recopuerto, hepe ng pulisya ng lungsod, inaresto si Galleon kagabi matapos magsagawa ng manhunt operations sa mga suspek sa pagpatay kay Arlito Basalo.

Pinagbabaril ng apat na suspek si Basalo sa isang palengke sa Barangay Sta. Lucia.

Ayom kay Recopuerto, kinilala ng mga saksi si Galleon na kasama sa apat na suspek na tumakas matapos ang insidente.

Itinanggi naman ni Galleon na binaril niya ang biktima at may ibang itinuro na bumaril kay Basalo.

Si Galleon ay myembro ng Community Investigative Support ng CIDG.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CIDG agent, Pagadian City, Radyo Inquirer, CIDG agent, Pagadian City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.