Sundalo at 2 iba pa arestado sa pagpapaputok ng baril sa Ligao City
Arestado ang isang sundalo at dalawang iba pa sa Ligao City dahil sa pagpapaputok ng baril sa kabila ng election ng gun ban ng Commission on Elections.
Kinilala ang mga suspek na sina Jeffrey Mora ng 92nd Division Recon Company ng Army, Jaymar Mora na isang security guard, at Celso Mora na isang magsasaka.
Ayon kay Supt. Lorenzo Bacia, hepe ng Ligao City Police, inulat ng kapitan ng Barangay Sta. Cruz na si Dexter Tuazon sa pulisya ang pagpapaputok ng tatlo habang sakay ng motorsiklo.
Wala namang nasugatan sa insidente.
Nasabat sa tatlo ang isang kalibre .45 na baril.
Nakadetine ngayon ang tatlong Mora na nahaharap sa kasong illegal discharge of firearms at illegal possession of ammunition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.