Pagsisiwalat sa baranggay officials na nasa narco-list, hindi maituturing na persecution – DILG
Hindi maituturing na ‘persecution’ ang gagawing pagsasapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency ng pangalan ng mga baranggay officials na sangkot sa illegal drug activities.
Ayon kay Interior and Local Government Officer-In-Charge Eduardo Año, wala syang nakikitang masama sa pagpapangalan ng narco-officials dahil para rin ito sa kapakanan ng mga botante.
Dapat aniya kasing malaman ng maigi ang profile ng mga kandidato na tumatakbo.
Dagdag pa nya, may pananagutan ang mga baranggay officials kung nagkamali man kaya dapat lang na mahusgahan.
Kahapon sinabi ni PDEA Dir Gen Aaron Aquino na hihingi sya ng gabay kay Ano para sa guidelines ng paglalabas ng narco list.
Hindi pa kasi pinal kung paano ang proseso na at kung paano ang pagkakahatihati na gagawin sa pagsisiwalat ng 211 na tiwaling opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.