LOOK: Ilang bahagi ng Quezon City, Marikina, Laguna at Bulacan, mawawalang kuryente ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 26, 2018 - 07:55 AM

Ilang lugar sa Quezon City, Marikina, Laguna at Bulacan ang mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw.

Sa Quezon City, mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa New Manila partikular sa Broadway Avenue malapit sa Gilmore Street sa Brgy. Mariana dahil sa gagawing paglilipat ng pasilidad ng Meralco.

Mula alas 10:00 ng umaga naman hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa Marikina City.

Apektado ang mga lansangan sa Barangay Malanday dahil sa gagawing line reconductoring work sa Paradise Subdivision.

Sa Laguna naman, mula alas 10:00 ng umaga naman hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay Limao sa bayan ng Calauan at Barangay Poblacion sa bayan ng Alaminos.

Habang sa Bulacan, mawawalan ng suplay ng kuryente mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang bahagi ng Barangay Malibong Matanda at Malibong Bata sa bayan ng Pandi Bulacan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, laguna, Marikina, Meralco, power interruption, quezon city, Bulacan, laguna, Marikina, Meralco, power interruption, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.