DOTR target na maibalik ang Sumitomo bilang maintenance provider ng MRT simula Hunyo

By Rhommel Balasbas April 26, 2018 - 04:16 AM

Nais ng Department of Transporation (DOTr) na maibalik na sa Sumitomo Corporation ng Japan ang maintenance at rehabilitation works ng Metro Rail Transit (MRT-3) simula sa buwan ng Hunyo.

Sa sidelines ng paglagda sa Memorandum of Agreement para sa free MRT rides ng mga personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na target ng kagawaran na maibalik sa Sumitomo ang pagmimintena ng hindi lalampas sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Tugade, nakausap na nila ang Sumitomo at ang Japan government para sa muling pagpapabalik sa dating maintenance provider.

Ang Sumitomo ang nagdisenyo at gumawa ng railway system ng MRT mula 1998 hanggang 2000 at siya ring maintenance provider kasama ang Mitsubishi Heavy Industries mula taong 2000 hanggang 2012.

Sinabi pa ni Tugade na noong Sumitomo pa ang may hawak sa MRT ay maayos na napangasiwaan ang operasyon at maintenance kung saan mayroon itong spare parts na napanatili ring maganda.

Sakaling malagdaan ang ‘loan agreement and mobilization’ sa pagsasapinal sa maintenance provider ay tatagal ang rehabilitasyon at maintenance ng MRT ng tatlong taon ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Kabilang sa mga aayusin sa rehabilitasyon ay ang mga tren, power supply at signaling system, elevators at escalators, public address system, security cameras at iba pang pasilidad ng MRT.

Ang procurement sa pagpili ng maintenance provider ay isasagawa sa ilalim ng Government to Government (G2G) Official Development Assistance platform kasama ang gobyerno ng Japan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.