Train Law pinasisilip ni Senador Bam Aquino

By Rhommel Balasbas April 26, 2018 - 04:01 AM

Hinihimok ni Sen. Bam Aquino ang gobyerno na muling silipin ang Tax Reform Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law) at pakinggan ang publiko.

Ito anya ay matapos lumabas sa isang March 2018 Ulat ng Bayan ng Pulse Asia na isa sa mga pangunahing hinaing ng mga Filipino ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

“Pakinggan natin ang hinaing ng mga Pilipinong nabibigatan sa mataas na presyo ng bilihin at hindi sapat na kita,” ani Aquino.

Sinabi pa ng senador na maaaring hindi sapat ang P200 kada buwan na cash transder na ibinibigay ng ayuda ng gobyerno sa pinakamahihirap na pamilyang Filipino kasabay ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Anya pa, ito na ang panahon para suriin ang tooong epekto ng TRAIN law at masigurong hindi pinapahirap ng gobyerno ang buhay ng mga mamamayan.

“Sa pagtaas ng presyo ng bilihin, sapat ba ang 200 pesos per month na cash transfer ng gobyerno? Panahon na para suriin ang totoong epekto ng TRAIN law at siguraduhing hindi pinapahirap ng gobyerno ang buhay ng mga Pilipino,” giit pa ng senador.

Ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia, kabilang sa pinakamalalaking hinaing ng mga Filipino ang mga isyung may kinalaman sap era tulad ng presyo ng bilihin at pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.