Binigyan ng isang linggo ng Kuwaiti government ang ambassador ng Pilipinas upang umalis na sa kanilang bansa.
Kasunod ito ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa na nagsimula pa dahil sa pang-aabusong nararanasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait at sinundan ng naganap na rescue operation sa mga distressed OFW sa nasabing bansa.
Ayon pa sa ulat ng Kuwait News Agency (KUNA), mayroon na lamang isang linggo ang kanilang envoy dito sa Pilipinas at kailangan na rin nilang bumalik sa Kuwait.
Samantala, sa ngayon ay wala pang inilalabas na statement ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa pag-uutos ng Kuwait government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.