Ikinatuwa ni Senator Sonny Angara ang malaking bilang ng mga nais maging opisyal ng barangay at kabataan.
Kasabay nito ang kanyang hamon sa mga kakandidato sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections na ipakita kung ano kakayahan at karunungan nilang taglay para sa pagbibigay serbisyo-publiko.
Base sa datos mula sa Comelec, higit sa 684,700 ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa barangay elections at higit 386,200 naman sa SK elections.
Sinabi ni Angara na ito ang unang barangay at SK elections sa loob ng limang taon kayat marami ang nabuhay ang interes na magserbisyo sa komunidad.
Giit nito napakahalaga ng bahagi ng barangay at kabataan sa pagtaguyod ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.