Pagpapasara sa Boracay, tuloy hangga’t walang TRO mula sa SC
Nagmatigas ang Palasyo ng Malakanyang na tuloy na ang pagpapasara sa Boracay island sa mga turista na magsisimula bukas at tatagal ng anim na buwan para bigyang daan ang rehabilitasyon dahil sa hindi maayos na sewerage system.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kahit na dumulog pa kanina sa Supreme Court ang ilang residente Boracay para harangin ang pagpapasara sa isla.
Katwiran ni Roque, tanging ang Temporary Restraining Order lamang mula sa Supreme Court ang makapagpipigil sa Malakanyang para ipasara ang Boracay.
“Unless a TRO is issued, the planned closure of Boracay to tourists, shall proceed,” pahayag ni roque.
Binigyang diin ni Roque na bagamat iginagalang ng pangulo ang sangay ng hudikatura, wala aniyang nakikitang merito ang kanilang hanay para harangin ng private part ang pagpapasara sa Boracay.
Ikinatwiran ni Roque ang naunang desisyon ng kataas taasang hukuman na pagmamay-ari ng estado ang isla.
“We see no reason how private persons can allege and prove irreparable injuries, a prerequisite for TRO, given that their stay in the island is by mere tolerance of the State. In any case, the closure is because of the inherent police power of the state to protect the environment in Boracay,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.