Mga Grab drivers na sinuspinde dahil sa pag-cancel sa mga biyahe, dapat kasuhan ayon kay Rep. Barbers

By Erwin Aguilon April 25, 2018 - 09:37 PM

Hindi kuntento si Surigao Rep. Robert Ace Barbers na suspendihin lamang ang 500 drivers ng Grab.

Ayon kay Barbers, dapat kasuhan ang mga ito dahil sa stress at inconvenience na idinulot sa mga pasahero.

Kailangan aniyang sampahan ng kaso ang mga drivers sa korte upang mapanagot sa paglabag na ginawa.

Nauna dito ay pinatawan ng suspensyon ng Grab ang 500 drivers nito dahil sa mga reklamo ng kanselasyon at pamimili ng byahe.

Samantala, tinawag namang lokohan ni PBA Party list Rep. Jericho Nograles ang pahayag ng Grab na 25% na lamang ng mga GRAB drivers ang hindi makakakita ng destinasyon upang mabawasan na ang cancellation rate.

Kung seryoso aniya ang Grab sa pagsunod sa batas dapat ay 100% o lahat na ng mga Grab drivers ang hindi na makakakita ng destinasyon at hindi 25% lamang.

TAGS: Grab, Robert Ace Barbers, Grab, Robert Ace Barbers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.