CHR, dismayado sa pagpapa-deport kay Sister Fox
Nadismaya ang Commission on Human Rights (CHR) sa utos ng Bureau of Immigration na i-deport ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox.
Ipinahayag ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na matapos palayain si Fox, kinakailangan pang bigyang rason ang pag-aresto sa madre.
Kasabay nito, nanawagan ang CHR sa gobyerno ng balansehin ang pagpapatupad ng karapatang pantao, at ang interes ng bansa.
Una nang naglunsad ang CHR ng imbestigasyon ukol sa pag-aresto ng BI kay Fox na natili sa bansa nang 27 taon.
Ayon sa BI, inaresto nila ang 71 taong gulang na madre dahil sa pagsali umano sa mga kilos-protesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.