Pagsasara ng Boracay tuloy kahit wala pa ang EO mula kay Pangulong Duterte
Mag-isyu man o hindi ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte tuloy na ang pagsasara ng Boracay hatinggabi ng Huwebes, April 26.
Sa press conference matapos ang security simulation exercise na isinagawa sa Boracay, sinabi ni Malay Mayor Ciceron Cawaling na ipatutupad na nila ang closure kahit wala ang EO na magdedeklara ng state of calamity sa lugar.
Mula alas 12:01 ng Huwebes, tanging ang mga residente na lamang na mayroong terminal passes at ID ang papayagan na bumili ng boat tickets at makapasok sa isla mula sa Caticlan jetty port.
Samantala, isang araw bago ang closure, dumating sa isla si DENR Sec. Roy Cimatu.
Mananatili doon ang kalihim sa kasagsagan ng closure at rehabilitasyon ng isla.
Iisa-isahin na rin ng DENR mga establisyimento para kausapin ang mga may-ari nito at at mga indibidwal na naisyuhan ng notice to vacate lalo na ang mga informal settlers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.