Pinagmulan ng kilu-kilong cocaine na natagpuan sa isla ng Calaguas, inaalam pa ng Calabarzon police

By Rohanisa Abbas April 25, 2018 - 11:10 AM

Blangko pa rin ang Calabarzon police sa pinagmulan ng kilu-kilong cocaine na nadiskubre sa katubigang sakop ng Calaguas Island.

Ayon kay Region 4-A Police Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, ito ang unang pagkakataon na nakasabat ang pulisya ng iligal na droga sa dagat na may kasamang tracking device.

Sinabi ni Eleazar na makakatulong ito sa pagtunton sa mga sindikato ng droga na nasa likod ng cocaine.

Aniya, sa ngayon ipinasusuri na ito ng Philippine National Police sa technical experts, alinsunod din sa utos ni PNP chief Director General Oscar Albayalde.

Ayon kay Eleazar, 80% ng iligal na droga sa bansa ay shabu. Sa pagkasabat ng bultu-bultong cocaine, kabilang na ang mga ilang nasabat sa police operations, mayroon na itong market sa bansa.

Ipinahayag din ng Region 4-A police chief na makailang ulit na ring nakadiskubre ng palutang-lutang na cocaine sa bisinidad ng rehiyon.

Una nang may nasabat na 28 kilo ng cocaine noong nakaraang linggo, at container ng liquified cocaine na daang milyong piso ang halaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Calaguas Island, cocaine, Guillermo Eleazar, Calaguas Island, cocaine, Guillermo Eleazar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.