2 kotong cops, arestado ng CITF sa entrapment operation sa Pasay

By Mark Makalalad April 25, 2018 - 10:11 AM

Kalaboso ang dalawang pulis sa ikinasang entrapment operation ng Counter-Intelligence Task Force ng Philippine National Police.

Naaresto ang mga pulis na sina PO2 Jerry Adjani Jubail at PO1 Michael Mindevil Domalanta sa Dela Cruz St., Malibay, Pasay City.

Ito’y matapos silang mahuli na tumatanggap ng lagay mula sa isang complainant.

Base sa reklamo, nangongolekta raw ang 2 pulis ng P300 hanggang P500 pesos sa bawat bus/van driver para payagan silang mag pick-up ng mga pasahero sa illegal terminal.

Nasa kustodiya na ng CITF sa Camp Crame ang mga pulis at nakatakdang isalang sa inquest para masampahan ng kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CITF, kotong cops, Pasay Police, PNP, Radyo Inquirer, CITF, kotong cops, Pasay Police, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.