Meralco nagbabala sa mas mataas na bayarin sa kuryente ngayong tag-init

By Rhommel Balasbas April 25, 2018 - 06:55 AM

Ibinabala ng Meralco ang mas mataas na bayarin sa kuryente ngayong summer season bunsod ng mas mataas na konsumo rito.

Ayon sa Meralco, bagaman wala pang nakaambang pagtaas sa presyo ng kuryente ay sagaran naman ang nagiging paggamit ng consumers sa mga appliances upang mapawi ang nararamdamang tindi ng init.

Bunsod nito, asahan na umano ng mga consumer ang mas mataas na bill sa kuryente.

Samantala, ibinabala rin ng power distribution company na maaari silang magtaas ng singil bunsod ng madalas na pagpalya ng ilang power plant ngayong dry season.

Ang ganitong insidente anya ay nagdudulot ng mataas na presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market kung saan nagmumula ang bahagi ng kanilang supply.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Meralco, power rate, Radyo Inquirer, Summer Season, Meralco, power rate, Radyo Inquirer, Summer Season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.