May 14 elections workers, makatatanggap ng buong sahod sa mismong araw ng halalan – Comelec

By Rhommel Balasbas April 25, 2018 - 04:20 AM

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na makatatanggap ng kanilang kabuuang sahod ang mga magtatrabaho para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14.

Sa isang pahayag, sinabi ng poll body na sakaling matapos na ng mga manggagawa ang kanilang election duties ay matatanggap na ng mga ito ang kanilang buong sahod na aabot sa P3,000 hanggang P7,000.

Batay sa RA 10756 o ang Election Service Reform Act, makatatanggap ang mga sumusunod ng kanilang honorarium:

  • Chairperson of Electoral Boards – P6,000
  • Members of Electoral Boards – P5,000
  • Department of Education Supervisor Official (DESO) – P4,000
  • at Support Staff – P2,000

Bawat isa ay makatatatanggap din ng travel allowance na may halagang P1,000.

Babayaran ang honorarium at travel allowances sa pamamagitan ng ‘cash’ o ‘card cash’ ng Development Bank of the Philippines.

Mayroon namang withholding tax na 5 percent ang kikitain ng bawat election worker alinsunod sa Bureau of Internal Revenue Ruling No. 003-08 na may petsang April 14, 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.