Backlog sa mga plaka ng sasakyan mareresolba na — DOTr
Target ng Department of Transportation (DOTr) na maresolba hanggang Setyembre ang backlog sa mga plaka ng sasakyan.
Ang pahayag ng DOTr ay kasabay ng pagpapasinaya sa pagawaan ng mga bagong license plate.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang pasilidad ay kayang makagawa ng hanggang 22,000 car plates kada araw.
Dahil sa magagawang mga bagong plaka sa bagong pasilidad, mareresolba ang backlog sa buwan ng Agosto o Setyembre.
Sa tala ng Land Transportation Office (LTO), nasa 3.8 million ang backlog sa license plates mula July 2016 hanggang March 2018 habang sa plaka ng motorsiklo ay nasa 5.2 million.
Umaasa ang LTO na ang isa pang automated embossing machine ay magiging operational sa July o August na lalong magpapabilis sa paggawa ng plaka ng sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.