Mar Roxas no comment sa 2019 elections

By Len Montaño April 25, 2018 - 03:43 AM

Tahimik si dating Senador Mar Roxas sa political plan nito sa 2019 elections dahil nais umano nitong mag-focus sa kanyang pamilya.

Sa isang text message ay sinabi ni Roxas na naka-sentro siya ngayon sa kanyang pamilya at ina.

Marami umanong utang ang dating senador at kalihim sa kanyang pamilya.

Pahayag ito ni Roxas kaugnay ng isyu kung muli itong tatakbong senador sa halalan sa susunod na taon.

Una rito ay sinabi ni Senador Bam Aquino na ilang grupo ang nag-uudyok kay Roxas na kumandidato sa susunod na senatorial race.

Matatandaan na isa si Roxas sa mga nakalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2016 elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.