PRRC, umapela sa publiko na tumulong sa paglilinis ng mga estero, ilog

By Ricky Brozas April 24, 2018 - 01:41 PM

Umapela ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa publiko at sa iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na makiisa sa kanilang mga isinasagawang pagkilos para linisin ang mga estero at ilog sa Metro Manila.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia, ang pagpapanatiling malinis sa mga estero at ilog sa Kalakhang Maynila ay isang “concerted effort” na kailangan ng pakikiisa ng lahat.

“Patuloy pa rin po ang paglilinis ng ating mga River Warrior, walang humpay Linggo ho ngayon walang Sabado at Linggo para sa amin lalo na sa ating mga River Warrior,” dagdag ni Goitia.

Ginawa ni Goitia ang panawagan matapos madismaya sa muli na namang panunumbalik ng mga gabundok na basura sa mga esterong kanilang nilinis na.

“Nakakalungkot talaga dahil tayo linis ng linis, pagkaraan ng ilang araw marumi na naman ang mga estero at ilog natin,” dagdag pa ni Goitia.

Sinabi pa ni Goitia na kailangan din nila ang tulong ng publiko para matagumpay sa hangaring mapanatiling malinis ang mga estero at buhayin ang mga ilog sa Metro Manila lalo na ang Pasig River.

“Kung tumutulong lamang ang publiko sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng kanilang mga basura sa mga estero at ilog natin, tiyak na mapapabilis ang pagbuhay sa mga ito,” giit ni Goitia.

Tiniyak din ni Goitia na kanilang papanagutin sa batas ang mga patuloy na nagdudumi sa mga estero at ilog sa Metro Manila.

“Tigilan na po natin ang walang disiplina at walang humpay na pagkalat o pagtapon sa ating mga daluyan. Ang mahuli po naming gumagawa nito, pribado man o LGU ay seryosong pananagutin namin sa batas,” ayon pa kay Goitia.

Upang maiwasan ang mga pagbaha sa Metro Manila, patuloy na nagsasagawa ang PRRC ng paglilinis sa mga estero at ilog sa Kalakhang Maynila.

TAGS: pasig river, prrc, Radyo Inquirer, pasig river, prrc, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.