Gen. Guillermo Eleazar umupo na sa pwesto bilang bagong director ng Region 4-A
Opisyal nang umupo sa kanyang pwesto bilang bagong director ng Region 4-A si dating Quezon City Police District Chief Guillermo Eleazar.
Sa turn over ceremony na ginanap sa Camp Vicente Lim sa Calamaba Laguna, pinalitan na ni Eleazar si dating Region 4 A Director Ma-O Aplasca na ililipat naman sa Directorate for Operations para punan ang nabakanteng pwesto ng bagong hepe ng National Capital Region Police Office na si Dir. Camilo Cascolan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Eleazar na mas paiigtingin nya pa ang war on drugs ng pamahalaan at itutuloy ang kanyang nasimulan sa QCPD.
Matapang niya ring binalaan ang mga kriminal sa CALABARZON na umalis na sa rehiyon at tumigil na sa iligal na gawain dahil tiyak na abot kamay nya ito.
Sinabi rin ni Eleazar na hindi nya palulusutin ang mga police scalawags.
Gagamitin daw nya sa Region 4-A ang template ng Counter Intelligence Task Force at hahabulin ang mga tiwaling pulis sa pmamagitan ng entrapment operation kahit na sa loob ng kampo.
Nabatid na si Eleazar ay tubong Quezon Province bago na-assign sa iba’t ibang unit ng PNP.
Samantala, pinarangalan naman ni PNP Chief Oscar Albayalde si Aplasca.
Kinilala rin nya ang nagawa ng opisyal sa naturang rehiyon.
Pumalit kay Eleazar si Chief Supt. Joselito Esquivel na dating nakatalaga sa Directorate for Intelligence.
Si Eleazar at Aplasca ay mistah sa PMA Hinirang Class of 1987.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.