Telcos dapat may araw-araw na update sa natitirang load ng kanilang prepaid subscribers
Aatasan ng National Telecommunications Commission o NTC ang mga telecommunication companies na magbigay ng abiso araw-araw sa kanilang mga subscribers kaugnay sa natitirang balanse sa kanilang prepaid.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, maglalabas ng memorandum circular ang NTC sa Hunyo o Hulyo, para atasan ang lahat ng telcos na araw-araw na abisuhan ang subscribers nila para mabawasan o matuldukan na ang isyu sa load disappearance.
Sa datos ng NTC noong 2017, umabot sa 167 ang reklamong kanilang natanggap sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng prepaid load.
Sa pagdinig ng Senado, natalakay ang isyu sa nawawalang load. Madalas ay “nakakain” ang load dahil sa mga promo ng telcos.
Hinikayat naman ng NTC ang publiko na kung mayroon silang reklamo ay tumawag sa kanilang hotlines 926-7722; 436-7722 O kaya ay sa hotlines ng DTI na 751-3330; 0917-834-3300
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.