Epektibo na ngayong araw ng Martes, April 24, ang panibagong taas-singil sa halaga ng mga produktong petrolyo.
Simula alas-6 ng umaga ay ipapatupad ng mga kumpanyang Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petron, Phoenix Petroleum, Pilipinas Shell, PTT, SeaOil, at UniOil ang karagdagang singil sa kanilang mga produkto.
Magtataas ng P0.40 ang halaga ng kada litro ng gasolina, P0.65 sa bawat litro ng diesel, at P0.65 rin para sa kada litro ng kerosene.
Ang naturang oil price hike ay dahil pa rin sa malikot na galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Ito na ang ika-apat na sunod na pagtaas sa halaga ng mga oil products mula noong nakalipas na Semana Santa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.