Malacañan walang garantiya na hindi maaresto si Jose Maria Sison habang nasa biyahe pauwi ng bansa
Hindi magagarantiyahan ng Palasyo ng Malacañan na hindi maaresto ng Amerika o iba pang law enforcer si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison habang pauwi ng Pilipinas.
Ito ay kung tutugon si Sison sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi sa bansa para pag-usapan ang peace talks.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala na sa kontrol ng Pilipinas kung gagalaw ang ibang foreign law enforcement agency.
Matatandaang si Sison ay itinuturing na terorista ng bansang Amerika.
Naka asyslum ngayon si Sison sa the Netherlands simula pa noong 1980s matapos ang rebolusyon sa Pilipinas.
Ayon kay Roque, ang tanging maigagarantiya lamang ng pangulo ay hindi ito gagalawin habang nasa Pilipinas.
Kasabay nito, nanindigan si Roque na wala sa posisyon si Sison na maglatag ng kondisyon bago umusad ang peace talks.
Nais kasi ni Sison na alisin muna ng gobyerno ang hirit sa korte na ideklarang terroristang grupo ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.