Kalahating kilo ng shabu nakuha sa naarestong tulak sa Maynila

By Angellic Jordan April 23, 2018 - 04:01 PM

Aabot sa P2.5 Million na halaga ng shabu ang nasamsam ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang hinihinalang drug dealer sa Maynila.

Naaresto ang suspek na si Mangursi Jalanie sa isinagawang buy-bust operation sa bahagi ng Katigbak St. at Roxas Boulevard dakong 1:45, Linggo ng hapon.

Hindi bababa sa 500 gramo ng shabu ang nakumpiska mula sa suspek.

Ayon sa PDEA, isinagawa ang entrapment operation matapos ang isang buwang surveillance kay Jalanie.

Dagdag pa nito, binaril ang suspek habang isinasagawa ang operasyon matapos nitong tangkaing kunin ang bag ng isang PDEA agent na may lamang baril.

Agad namang dinala sa Manila Doctors Hospital ang suspek at mahigpit na binabantayan ng PDEA.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: drug personality, manila, PDEA, shabu, drug personality, manila, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.