Malawakang pagsibak sa mga tiwaling pulis, asahan na sa mga susunod na buwan
Asahan na sa mga susunod na buwan ang malawakang pagsibak sa mga tiwaling pulis.
Ito ang Inihayag ni PNP Chief Oscar Albayalde kasabay ng panawagan sa publiko na isumbong ang nga pulis na gumagawa ng katiwalian.
Ayon kay Albayalde, seryoso ang magiging kampanya nya sa internal cleansing kung saan sasalain maigi ang PNP sa mga hindi nagpe-perform nitong mga tauhan.
Panawagan nya sa publiko, kung may nalalamang iligal na aktidad o kaya ay may bastos na pulis, magsumbong lang sa dating text BATO hotline na 2286 o 2920 na ngayon ay I-text kay OCA hotline na.
Sinabi naman ni Albayalde na noong siya ang NCRPO chief, 279 na pulis ang pina dismiss niya sa serbisyo, 825 ang sinuspinde, 99 ang demoted at 365 ang ni re-assign to Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.