Pagdisiplina sa mga pulis, pinatututukan sa bagong PNP chief

By Jan Escosio April 23, 2018 - 08:50 AM

Sinabi ni Senator Ping Lacson na magandang ang iprayoridad ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang pagdisiplina sa mga pulis.

Ayon kay Lacson nang magka-usap sila ni Albayalde ay tinanong siya nito sa epektibong paraan nang pagdisiplina sa mga alagad ng batas.

Sinabi ng senador na pinayuhan niya ang bagong hepe ng pambansang pulisya na palakasin ang kanilang counter-intelligence laban sa mga bugok na pulis.

Dagdag pa niya, kapag may matibay ng ebidensiya na nakuha ang Counter-Intelligence Task Force (CITF) ay puwedeng gamitin ang PNP –Special Action Force para arestuhin ang mga tiwaling pulis.

Ayon pa kay Lacson talagang mahirap magtagumpay sa kanilang mga operasyon ang mga pulis kung sa kanilang mismong hanay ay may mga kalaban sila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Oscar Albayalde, panfilo lacson, PNP, Radyo Inquirer, Oscar Albayalde, panfilo lacson, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.