MMDA enforcer sugatan sa aksidente sa QC
Kritikal ang kondisyon ng isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa concrete barrier sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Naganap ang aksidente malapit sa Central Avenue.
Ayon sa ilang saksi, mabilis ang andar ng motorsiklo ng 30 anyos na MMDA enforcer at wala itong helmet.
Posibleng hindi umano nito napansin ang mga concrete barrier sa lugar na pawang walang reflector.
Agad nakaresponde ang medics team ng MMDA at dinala na sa pagamutan ang biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.