PH Embassy sa Syria handa sa repatriation ng mga Pinoy – DFA
Handa ang Philippine Embassy sa Syria na tulungan ang mga Filipino na nagnanais na umuwi sa Pilipinas sa kabila ng nagpapatuloy na gulo sa naturang bansa.
Ito ang kinumpirma ng Department of Affairs (DFA) at sinabing nagkaroon na ng pagpupulong ang embahada sa pangunguna ni charge d’ affaires Alex Lamadrid at ang kagawaran upang tingnan ang sitwasyon sa Syria.
Sa kabila ng napaulat na pagsuko ng mga rebelde ay pinayuhan pa rin ng embahada ang halos 500 Filipino sa Damascus na manatiling nasa kanilang mga tahanan at iwasan ang pagbiyahe.
Dhail dito, ipinahayag ni Lamadrid sa mga miyembro ng Filipino community na handa sila sa repatriation ng mga gustong umuwi na ng Pilipinas.
Kamakailan lamang ay binomba ng Syrian military ang natitirang stronghold ng Islamic militants sa Damascus.
Mula nang sumiklab ang gulo sa Syria noong 2011 ay nagpatupad na ng deployment ban ang Pilipinas.
Gayunman ay nasa 1,000 pinoy pa rin ang nanatili sa naturang bansa na karamihan ay asawa ng mga Syrian national at ang iba ay household service workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.