Trak vs. SUV: isa patay dalawa sugatan sa Davao City

By Rohanisa Abbas April 21, 2018 - 11:29 AM

Isa ang patay habang sugatan ang dalawang iba pa sa banggaan ng isang trak at Sports U sa Davao City kagabi.

Kinilala ang nasawi na si Maricel Trabasas, habang ang mga nasugatan ay sina Edber Ian Bahanjadia-non at Jerelyn Duraydo.

Ayon kay Bahanjadia-non na siyang nagmamaneho ng SUV, pauwi na sana sila sa Pagadian City, Zamboanga del Sur mula sa Bayugan City, Agusan del Norte.

Sumalpok aniya sa kanilang SUV ang isang trak sa Barangay Panacan.

Ayon naman sa driver ng trak na si Norwin Pacultad, malayo pa lang ay napansin niya na na wala sa linya ang SUV.

Aniya, sinubukan niyang iwasan ito pero nabangga niya pa rin ito.

Nawasak ang harapan ng SUV habang nayupi naman ang kaliwang bahagi ng trak.

Nasa kustodiya ngayon ng mga otoridadad si Pacultad. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

TAGS: Davao City, PNP, trabasas, vehicular accident. pacultad, Davao City, PNP, trabasas, vehicular accident. pacultad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.