Nuclear testing ng North Korea ititigil na

By Den Macaranas April 21, 2018 - 08:40 AM

AP

Simula ngayon araw ay ititigil na ng North Korea ang lahat ng kanilang missile at nuclear tests.

Handa na rin umano ang nasabing bansa na buksan para sa inspeksyon ang kanilang nuclear test site.

Sinabi ng Korean Central News Agency na epektibo ngayong araw ang nasabing kautusan na pinagtibay ng Worker’s Party na pinamumunuan mismo ni Kim Jong-un.

Nauna nang sinabi ng ilang foreign observers na kapuna-puna ang paglambot ng North Korea sa kanilang nuclear program.

Posible umano may kaugnayan ito sa nakatakdang pulong nina U.S President Donald Trump at North Korean President Kim Jong-un sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.

Sa susunod na linggo ay may pagpupulong rin ang ang mga pinuno ng South at North Korea.

TAGS: Kim Jong un, missile tests, north korea, trump, Kim Jong un, missile tests, north korea, trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.