Mga iligal na istruktura sa 75 establisyimento sa Coron, pinagigiba

By Rhommel Balasbas April 21, 2018 - 03:57 AM

Nagpadala ng eviction notices ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 75 business owners sa Coron, Palawan bilang pagpapatupad sa batas tungkol sa easement zone sa mga karagatan.

Ayon kay Task Force Coron head Engineer Roman Legaspi, mayroon lamang 30 araw ang mga negosyante na gibain ang kanilang mga iligal na istruktura sa katubigan ng Coron Bay at maging sa baybayin.

Ipinatutupad ang three-meter no-build zones sa mga urban areas.

Iginiit ni Legazpi na malinaw ang nakasaad sa batas ay ipinatutupad lamang ito upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kagandahan ng Coron,

Kabilang sa mga business establishments na pinadalhan ng mga eviction notices ay mula sa Barangay Poblacion 1, Poblacion 3, Poblacion 5 at Barangay Tagumpay.

Sikat ang Coron dahil sa white sand beaches nito at malinaw at asul na katubigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.