Bahay na hinihinalang ginagawang imbakan ng kemikal sa paggawa ng shabu, sinalakay sa Marikina
Ni-raid ng mga operatiba ang isang bahay na hinihinalang ginagawang imbakan ng mga kemikal sa paggawa ng shabu sa Barangay Nangka, Marikina City.
Ayon kay Marikina City Chief of Police Sr. Supt. Roger Quezada, nilusob ng mga operatiba ang isang malaking bahay sa bisa ng isang search warrant.
Nakita sa likurang bahagi ng bahay ang iba’t ibang container ng mga kemikal.
Inaalam pa ngayon kung ang mga nasabat na kemikal ay ginagamit sa paggawa ng shabu.
Ayon kay Quezada, may mga Chinese characters na nakasulat sa mga container.
Ang nasabing bahay ay sinasabing pag-aari ng isang John Ming Shen, ang Chinese national na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulihan ng mga kemikal sa Batangas at Malabon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.