Biyahe ng MRT, nagka-aberya; 300 pasahero ang pinababa sa tren

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 20, 2018 - 05:31 PM

Isang tren ng MRT-3 ang nakaranas ng aberya habang bumibiyahe pa-northbound alas 4:19 ng hapon ng Biyernes.

Ayon sa MRT-3, pinababa ang nasa 300 pasahero ng tren sa Quezon Avenue station makaraang makaranas ng electrical failure sa motor nito.

Ang mga pinababang pasahero ay pinasakay na lang sa kasunod na tren. Anim na minuto lang umano ang kanilang pinaghintay bago makalipat ng tren.

Ayon sa MRT-3, kadalasang nagiging ugat ng electrical failure sa motor ng tren ay ang luma nang electrical sub-components.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: electrical failure, MRT 3, unloading incident, electrical failure, MRT 3, unloading incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.