Simula sa araw na ito, ika-16 sa buwan ng Hunyo, taong 2015, ipinakikilala ang radyo.inquirer.net, hudyat ng full digital news operation ng Radyo Inquirer.
Nangangahulugan ito na ang Radyo Inquirer Nueve Noventa ay hindi lamang madirinig, mapapanood online, kundi mababasa na rin upang higit na mapagsilbihan ang mamamayan sa pamamagitan ng balita at impormasyon.
Ayon kay Jake Maderazo, Station Manager ng Radyo Inquirer, ito ay simula pa lamang ng mga makabuluhang pagbabago sa Radyo Inquirer, ayon sa kumpas ng balanseng pagbabalita at walang takot na pamamahayag. “We believe that we are a nation of inquirers and that every question needs to be answered,” Ani Maderazo.
Ang Radyo Inquirer 990khz ay sumasahimpapawid mula 4:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.