13 patay sa magdamag na anti-drug operation sa Bulacan

By Jan Escosio April 20, 2018 - 03:10 PM

Radyo Inquirer File Photo

Umabot sa 13 ang namatay sa mga anti-drug operations na siinagawa ng Bulacan Provincial Police Office sa nakalipas na magdamag.

Sinabi ni Bulacan police director Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., pawang nanlaban sa mga otoridad ang mga namatay.

Aniya sa mga isinagawang operasyon, 49 ang buy bust operations.

Nakapagtala ng tig-iisang nasawi sa mga bayan ng Pandi, Bocaue, Malolos City, Sta Maria, Plaridel, Pandi, Baliuag, San Rafael at dalawa naman ang nasawi sa San Jose del Monte City.

Samantala, 58 walo ang naaresto kasama na ang beteranong aktor na si Julio Diaz.

Sa kabuuan nakakumpiska ang 216 plastic sachets ng shabu, isang brick ng marijuana na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso.

Limang baril din ayon kay Caramat ang nakumpiska.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti-illegal drugs operations, Bulacan, Radyo Inquirer, War on drugs, anti-illegal drugs operations, Bulacan, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.