Abogado ng VACC itinalaga ni Duterte sa PACC

By Chona Yu April 19, 2018 - 08:29 PM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Manuelito Luna bilang bagong miyembro ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC).

Nabatid na April 17 lamang nilagdaan ng pangulo ang appointment paper ni Luna.

Bago ang appointment ni Luna sa pamahalaan ay nakasama ito ni PACC Chairman Dante Jimenez bilang abogado sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Ang grupo ni Luna ang naghain ng kasong kriminal sa Department of Justice laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Health Secretary Janet Garin at dating Budget Sec. Butch Abad dahil sa paggamit ng kontrobersiyal na Dengvaxia o ang anti-dengue vaccine na ipinamigay sa mahigit walong daang libong bata.

TAGS: duterte, Luna, pacc, vacc, duterte, Luna, pacc, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.