Aabot sa kabuuang 105 kandidato ang dinis-qualified ng Commission on Elections upang humawak ng posisyon sa gobyerno.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito ay matapos mabigo ang mga ito na maghain ng kanilang statements of contributions and expenditures SOCE sa mga nakalipas na eleksyon.
Sinabi ni Jimenez na hindi maaring kwestyunin ng kandidato ang pasya ng Comelec dahil ito ay dumaan sa tamang proseso.
Ang pagsusumite anya ng SOCE ay kailangan para sa mga nanalo at natalo sa halalan upang mabatid ang kanilang tinanggap na kontribusyon at kung magkano ang nagastos ang mga ito.
Kaugnay nito, ipinaalala ni Jimenez na sa kandidato sa May 14 barangay at Sangguniang Kabataan polls na kailangan nilang maghain ng SOCE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.