Isyu sa hurisdiksyon sa isinampang kaso laban sa mga pulis Caloocan hindi dapat makaapekto sa merito nito

By Len Montaño April 19, 2018 - 05:24 AM

Pinawi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pangamba na mapapalaya ang dalawang pulis-Caloocan na kinasuhan dahil sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman dahil sa umano’y kabiguan ng state prosecutors na magsampa ng kaso sa tamang korte.

Ayon kay Guevarra, walang dahilan para mag-panic agad dahil kukuha siya ng update sa kaso matapos na ilutang ni Judge Georgina Hidalgo ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 122 ang isyu ng hurisdiksyon sa pagpapatuloy ng paglilitis kina PO1 Ricky Arquilita at PO1 Jeffrey Perez.

Inamin na ng mga prosecutors ng DOJ na nagkamali sila matapos nilang hilingin sa hukom na payagan silang magsampa ng kasong murder laban kina Arquilita at Perez sa Navotas City.

Una nang sinabi ng testigo ng prosekusyon na si Joe Daniels na sa Navotas totoong pinatay si Arnaiz at hindi sa Caloocan.

Iginiit naman ng DOJ prosecutors na pwede pa ring hawakan ng hukom ang hiwalay na kasong torture at planting of evidence laban sa dalawang pulis dahil ginawa ang krimen sa Caloocan.

Pero sinabi ng kalihim na ang isyu ng hurisdiksyon ay hindi dapat makaapekto sa merito ng kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.