Residential area sa Las Piñas tinupok ng apoy

By Justinne Punsalang April 19, 2018 - 03:20 AM

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na sumiklab mula sa isang bahay sa Phase 2 ng Christ the King Subdivision sa Barangay Talon 4, Las Piñas City.

Ayon kay Fire Officer 1 Rizaldo Agitan ng Las Piñas Fire Department, nasa 60 kabahayan ang tinupok ng apoy na napag-alamang nagsimula sa bahay ng mag-asawang Rey at Amelia Tabuso bandang alas-11:16 ng gabi.

Bagaman patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa rason ng pagsiklab ng apoy ay posible umano itong dahil sa electrical overloading.

Pawang gawa sa mga light materials ang bahay sa lugar kaya naman mabilis na kumalat ang apoy.

Alas-2:23 ng madaling araw nang ideklarang fire under control ang nasabing pagliliyab.

Nahirapan ang mga otoridad na agad maapula ang sunog dahil sa liit ng mga kalsada at dahil na rin sa mahinang supply ng tubig sa lugar. Umabot pa sa punto na balde-baldeng tubig lamang ang ginamit pang-apula ng sunog.

Tinatayang aabot sa P375,000 ang kabuuang pinsala sa ari-arian dahil sa nasabing pagliliyab.

Samantala, mahigit 100 pamilya na nawalan ng tirahan ang pansamantalang mananatili sa Christ the King basketball court.

TAGS: Las Piñas City, sunog, Las Piñas City, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.