Pagpunta ng U.S warships sa spratly’s kinumpirma ng Pentagon

By Den Macaranas October 10, 2015 - 09:47 AM

kalayaan_island
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Pentagon ang gagawing paglalayag ng kanilang mga warships sa ilang mga ruta malapit sa mga pinag-aawayang mga isla sa Spratly’s at South China Sea.

Sa kanilang pagharap sa Senate Armed Services Committee, sinabi ni U.S Defense Assistant Sec. David Shear na gusto nilang ipakita na hindi nila kinikilala ang pag-angkin ng China sa ilang mga pinagtatalunang isla sa pamamagitan ng paglalayag sa 12-Nautical Miles na bahagi ng Spratly’s.

Ang nasabing international route ng mga barko ay ang siyang pangunahing ruta ng halos ay $5Trillion na halaga ng kalakal kada taon ayon sa report ng U.S Defense Department.

Dahil sa ginagawang reclamation sa bahagi ng South China Sea, sinabi ng Pentagon na nangangahulugan din ito ng pag-patay sa daloy ng negosyo sa mga bansang nakikinabang sa nasabing ruta.

Kamakailan ay magugunitang naglabas ng warning ang pamahalaan ng China makaraang umikot sa land reclamation areas ang isang U.S P8 Poseidon Plane.

Pati ang mga eroplano ng iba pang claimant countries sa lugar tulad ng Pilipinas, Japan, Malaysia, Vietnam, Brunei at Taiwan ay pinag-bawalan din ng China na dumaan sa ibabaw ng kanilang inaangakin na teritoryo.

Sa panig ng China, Sinabi ni Foreign Ministry spokesman Hua Chungyan na mananatili silang umaasa na hindi guguluhin ng U.S ang kanilang ginagawang reclamation sa mga karagatang pinaniniwalaan nilang sakop ng kanilang bansa.

 

TAGS: China, Pentagon, Spratly's, U.S, China, Pentagon, Spratly's, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.