Firetruck nahulog sa ilog habang patungo sa rerespondehang sunog sa Nueva Vizcaya
Nahulog sa ilog ang firetruck ng Bureau of Fire Protection na reresponde sa isang sunog sa Kayapa, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Chief Insp. Orlando Tacio, hepe ng Kayapa Police, nagkaroon ng mechanical problem ang firetruck dahilan para mahulog sa ilog.
Sugatan si Senior Fire Officer 2 Adriano Vergara na mabuti na ang lagay.
Reresponde ang mga bumbero sa nasusunog na sasakyan na pag-aari ni retired Col. Marlon Gauiran.
Ayon kay Tacio, sumikNahulog sa ilog ang firetruck ng Bureau of Fire Protection na reresponde sa isang sunog sa Kayapa, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Chief Insp. Orlando Tacio, hepe ng Kayapa Police, nagkaroon ng mechanical problem ang diretruck dahilan para mahulog sa ilog.
Sugatan si Senior Fire Officer 2 Adriano Vergara na mabuti na ang lagay.
Reresponde ang mga bumbero sa nasusunog na sasakyan na pag-aari ni retired Col. Marlon Gauiran.
Ayon kay Tacio, sumiklab ang apoy sa sasakyan makaraang sumabog ang tangke ng LPG na sakay nito, hanggang sa tuluyang masunog ang sasakyan.
Sinabi ni Tacio na nadiskubre rin ng pulisya ang isang caliber .45 na baril sa sasakyan gayong ipinatutupad ang election gun ban.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.