Recto, kinuwestiyon ang kawalan ng pondo para sa El Niño sa 2016 national budget

By Kathleen Betina Aenlle October 10, 2015 - 05:30 AM

Ralph-Recto-0530-660x371Binatikos ni Sen. Ralph Recto na vice chairman ng Senate Committee on Finance ang hindi direktang paglalaan ng gobyerno ng pondo para sa El Niño.

Ayon kay Recto, mayroon mang pondong nailaan sa P3.002 trilyong national budget na magagamit para sa programang maaaring makapagpagaan ng epekto ng El Niño sa bansa, wala man lang aniyang partikular na alokasyon para sa programang gagamitin para dito.

Dapat rin aniyang magkaroon ng partikular na bahagi sa pondo ang paghahanda para sa El Niño para magkaroon ito ng mas specific na mandato sa paggamit.

Aniya, ngayon pa lamang ay dapat pinaghahandaan na ng gobyerno ang El Niño at hindi na dapat hintayin pa ang susunod na taon habang may natitira pang pag-ulan.

Ayon kasi sa pagtatala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 32 probinsya ang labis na maaapektuhan ng tagtuyot na nagsimula na noong Hulyo nitong taon at inaasahang matatapos sa Mayo 2016.

Giit niya mayroon namang mga nakalaang pondo sa iba’t ibang ahensya at kagawaran ng gobyerno ngayon na dapat gamitin na hangga’t maaga pa.

TAGS: 2016 national budget, El Niño, 2016 national budget, El Niño

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.