Pagkakaaresto kay Sister Patricia Fox ipinaliwanag ng BI
Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) sa pagka-aresto ng Australyanong missionary na si Sister Patricia Fox na kilalang nagsusulong ng karapatang pantano.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sa tagapagsalita ng BI na si Atty. Ma. Antonette Mangrobang, sinabi nito na inaprubahan ni Commissioner Jaime Morente ang report ng kanilang intelligence officers ukol sa namonitor na umano’y paglabag ni Sister Patricia sa kundisyon ng kanyang visa dahil sa pagsali nito sa mga political activities.
Nagkataon naman aniya na noong arestuhin ang madre ay wala itong naiprisintang pasaporte.
Dahil noong inaresto si Sister Patricia ay hindi ito gumagawa sa anumang politicial activity ay nagdesisyon ang ahensya na palayain ito pero mayroon pa ring kaukulang imbestigasyon sa estado ni Sister Patricia.
Iginiit naman ni Mangrobang na naging maayos ang pag-trato nila sa dayuhang misyonaryo hanggang makapagsumite ito ng kanyang pasaporte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.