Boracay isasailalim sa state of calamity ngayong linggo

By Len Montaño April 18, 2018 - 05:11 AM

Inaasahang sa linggong ito ay isasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang isla ng Boracay.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing III, nakatakda na rin ang paglabas ng pangulo ng executive order para isara ang isla simula April 26.

Una nang sinabi ng Malacañan na kailangang ideklara ang state of calamity sa Boracay para makapaglabas ng pondo na gagamitin sa paglilinis at rehabilitasyon ng naturang sikat na tourist destination.

Pebrero nang sabihin ng pangulo na naging cesspool o tapunan ng dumi ng tao ang isla.

Tiniyak naman ng gobyerno na tutulungan ang mga manggagawa na maapektuhan ng pagsasara.

Una na ring sinabi ng DILG na maaari namang mapaikli ang pagsasara sa Boracay at muli itong buksan sa mga turista sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.