2016 national budget, pasado na sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali, Kathleen Betina Aenlle October 10, 2015 - 05:17 AM

congress (1)Inaprubahan na ng mababang kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6132 o panukalang P3.002-trillion 2016 national budget.

Sa botong 230 na “yes” at 20 na “no”, ipinasa na ng Kamara ang pambansang pondo para sa susunod na taon na napabilis ang deliberasyon dahil sa pagse-sertipika nito ni Pangulong Aquino bilang urgent.

Nangunguna pa rin sa pinaglaanan ng pondo ang Department of Education (DepEd), na sinundan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DOF), Department of Transportation and Communication (DOTC), Department of Environment and National Resources (DENR) at Department of Science and Technology (DOST).

Sa kabuuan, mas mataas ng 15.2% ang inilaang pondo para sa susunod na taon kung ikukumpara sa P2.606-trilyong pondo ngayong taong 2015.

Matatandaang inabot ng dalawang linggo ang debate sa panukalang pambansang pondo.

Matapos itong maipasa sa ikatlo at huling pagbasa, iaakyat na sa mataas na kapulungan o sa Senado para sumailalim sa mas masusi pang deliberasyon.

Ngayong tapos na ang Kamara sa pambansang pondo, makakapag-focus na ito sa plenary debates para sa panukalang Bangsamoro Basic Law pagkatapos ng kanilang congressional break mula October 10 hanggang 12.

TAGS: 2016 national budget, 2016 national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.