Malacañang suportado ang imbestigasyon sa Yolanda housing project
Bukas ang Malacañang sa hirit ni Senador JV Ejercito na imbestigahan sa Senado ang pabahay ng nakaraang administrasyon para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, welcome sa palasyo ang hakbang na ito lalo’t maraming reklamong natatanggap kaugnay sa hindi matapos-tapos na pabahay para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.
Iginiit pa ni Roque na dagsa ang natatanggap na reklamo sa Malacañang dahil bagaman marami ang nag- donate o nagbigay ng ayuda ay marami pa rin sa mga nabiktima ng bagyo ang wala pang permanenteng tirahan.
Ibinida pa ng kalihim na mas maganda ang ipinatayong pabahay ng kasalukuyang administrasyon sa mga nabiktima ng giyera sa Marawi City kumpara sa pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
“Sang-ayon po tayo diyan, napakalaking eskandalo po nangyari diyan sa Yolanda resettlement na yan. Yan kung proyektong ipinagmamalaki noong tumakbo sa pagka-Presidente si Mar Roxas. Ang dami nga pong reklamong natatanggap pero mahirap pong magsalita,” ani
Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.