Mike Arroyo, hiniling sa korte na payagan siyang makapunta sa Japan at HongKong

By Jen Cruz-Pastrana October 09, 2015 - 08:15 PM

arroyoIlang araw pa lamang nakakabalik si dating First Gentleman Mike Arroyo mula sa kanyang bakasyon sa Europe ay muli itong humiling sa Sandiganbayan na payagan siya na makaalis patungong Japan at Hongkong.

Sa mosyon na isinumite ng kampo ni Arroyo sa Sandiganbayan Fourth Division, hiniling sa anti-graft court na payagan siyang manatili sa Japan mula October 23 hanggang 29 at sa HongKong naman sa October 29 hanggang November 3.

Ayon sa legal counsel ng dating ginoo na si Atty Ruy Alberto Rondain, kailangang dumalo si Arroyo sa grand reunion ng Arroyo family sa Japan at Hong Kong.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft sa fourth division na may koneksiyon sa umanoy anomalya sa National Broadband Deal na nagkakahalaga ng 329 million dollars sa ilalim ng ZTE corporation noong taong 2007 kung saan kasulukuyang presidente ang kanyang asawa na si Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Kasong graft din sa Sandiganbayan Fifth Division ang kinakaharap ni Arroyo na may kaugnayan naman sa anomalya sa pagbili ng overpriced helicopters ng Philippine National Police noong 2009.

Samantala base sa record parehong mosyon ang isinumite ni Arroyo sa dalawang dibisyon tatlong linggo na ang nakakaraan kung saan pinayagan siyang makaalis ng bansa ng magtungo ito sa Europe kapalit sa pagbibigay nito ng bond at ang pangakong babalik ito ng bansa.

TAGS: FGMikeArroyo, FGMikeArroyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.