Kondisyon ng OFW na pinainom ng asido ng kaniyang amo sa Saudi, bumuti na
Nagawa nang maibahagi ni Agnes Mancilla kay Philippine Consulate General Edgar Badajos ang mga naranasang pang aabuso sa kamay ng among Saudi national.
Bumuti na ang kondisyon ni Mancilla sa King Fahd Central Hospital at ito ang iniulat ni Badajos sa Department of Foreign Affairs ngayon umaga.
Sa kuwento ni Mancilla taon 2016 nang manilbihan siya sa amo sa Jeddah at aniya nagsimula ang pang aabuso nang lumipat sila sa Jizan.
Sinabi nito na tanging kape lang ang palaging laman ng kanyang tiyan ng mahigit isang buwan at ang kanyang trabaho ay nagsisimula ng alas 5:00 ng umaga at nagtatapos ng alas 2:00 ng umaga kinabukasan.
Aniya pinainom siya ng amo ng liquid bleach nang hindi nito nagustuhan ang itinimpla niyang tsaa.
Dagdag pa nito ang napagkamalang paso sa kanyang likuran ay mga kagat ng kanyang amo.
Isinugod sa ospital si Mancilla ng mga kapwa Filipino nang malaman ang ginawa sa kanya ng kanyang amo.
Samantala, nakatakda din makipagkita sa otoridad si Badajos para tiyakin na makakasuhan ang amo nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.