Dating heneral ng militar, hinatulan ng 216 na taon na pagkakakulong ng Sandiganbayan
Hinatulan ng Sandiganbayan ng pagkakulong ng hanggang 216 na taon ang isang heneral ng militar dahil guilty ito sa kasong graft and falsification kaugnay ng pagbenta sa labing-dalawang mga lupa sa General Santos City dalawamput-isang taon na ang nakalipas.
Guilty sa kada 12 count ng graft and falsification of public documents si Retired Brigadier General Jose Ramiscal Jr., dating President ng binuwag na Armed forces of the Philippines-Retirement and Separation Benefit System.
Pinagbalawan din ng Sandiganbayan 7th division si Ramiscal sa pagpasok sa public office.
Parehong sintensya ang ipinataw sa kapwa akusado ng heneral na si Nilo Flaviano na nagsilbing abogado ng may-ari ng mga lupa.
Binigyan ng anti-graft court sina Ramiscal at Flaviano ng maximum sentence na 120 na taon para sa labing-dalawang counts ng graft at maximum na pagkakulong na siyamnaput-anim na taon para sa labing-dalawang counts ng falsification of public documents.
Ibinenta ni Ramiscal at pumanaw na Project Director ng AFP-RSBS na si Wilfredo Pabalan ang labing-dalawang lupa sa General Santos City para sa pabahay sa Marina Complex pero nadiskubre ng Ombudsman na may ibang set ng deeds of sale bago ang pagbili sa mga lupa na naging dahilan ng mababang bayad at nalugi ang gobyerno ng tatlong milyong piso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.